Sa ulat ni entertainment reporter Audrey Carampel para sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Biyernes, sinabi nito na marami kamag-anak si Robin na tumatakbo sa iba't-ibang lokal na posisyon sa Nueva Ecija at Bicol Region.
“Ang laki ho ng kinikita ko sa pelikulang Pilipino, hindi ko ipagpapalit. Makakatulong po ako sa taongbayan na hindi (ako) pulitiko," pahayag ng aktor.
Kabilang sa mga iniindorso ni Robin ngayong halalan ay si Makati Mayor Jejomar Binay na tumatakbong bise presidente. Matatandaan na ang mahigpit na kalaban ni Binay sa naturang posisyon na si Sen mar Roxas ay iniindorso naman ni Kris Aquino.
“Wala pa namang makapagsasabi na kahit singko tumanggap ako, wala. Hindi ho uso…kaya ko hong pagtrabahuhan yung aking kakainin. Alam ko namang kapag binayaran ako ng pulitiko kukunin din sa tao ‘yan, ‘di parang ninakawan ko yung tao," paliwanag ni Robin.
Kasabay nito, ikinuwento ni Robin na pahinga muna ang kapatid niyang si BB Gandanghari sa showbiz dahil abala ito sa paglilibot sa bansa para alamin umano ang problema ng kahirapan sa Pilipinas.
Sinabi ng aktor na ito ang dahilan kaya hindi natuloy ang planong paggawa nila ng pelikula ng kapatid na si BB.
“Gusto ngang libutin muna ang buong Pilipinas at malaman ang kahirapan. Ewan ko kung nagpaplano bang maging pulitiko itong kapatid kong ito. Pero sa ngayon nandun siya e," ayon kay Robin. -
05/07/2010 | 10:53 PM
FRJ, GMANews.TV
Subscribe in a reader
No comments:
Post a Comment